Pinalakas ng mga Information Officer ng Philippine Information Agency (PIA) mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang kasanayan sa mobile journalism sa isang dalawang araw na workshop na ginanap sa The Marison Hotel sa Legazpi City noong Marso 10–11, 2026.

Sa pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang mobile data gathering at propesyonal na pagkuha ng video gamit ang smartphones para sa social media platforms. Tinalakay rin ang responsableng pag-uulat sa konteksto ng government communications at ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa data research.

Pinangunahan ang workshop ni Kat de Castro, Director General ng PIA. Naging resource speakers din sina Voltaire Tupaz ng Fyt Media, Jeff Canoy, Chief of Reporters ng ABS-CBN News, at Daniel Jacob, Video Producer ng ABS-CBN News.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaigting ang kakayahan ng mga Information Officer sa paghahatid ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko gamit ang makabagong digital tools.

Source: PIA Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *