Pinangunahan nina Kalihim Jose Ramon Aliling ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Chief Executive Officer Marilene Acosta ng Pag-IBIG Fund ang ceremonial first concrete pouring ng dalawang proyekto ng pabahay sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) nitong Miyerkules, Marso 4, 2026.

Ang mga proyekto ay matatagpuan sa Barangay Salitran at Paliparan, kung saan inaasahang makikinabang ang mahigit 21,000 pamilyang Pilipino. Binubuo ang mga ito ng 26 multi-storey condominium towers na magbibigay ng humigit-kumulang 7,000 condominium units na may modernong pasilidad at abot-kayang presyo sa ilalim ng socialized housing ceiling para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund at mga nagtatrabahong pamilyang Pilipino.

Ayon sa DHSUD, inaasahang matatapos ang unang gusali ng proyekto sa Marso 2027, bilang bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan na magbigay ng disenteng pabahay sa mga Filipino.

Source: PIA Cavite

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *