Nagtipon ang mga ahensyang bumubuo sa Regional Council Against Child Labor (RCACL) sa Bicol Region upang higit pang pagtibayin ang mga estratehiya at programa laban sa child labor at child exploitation sa rehiyon.

Isinagawa ang Regional Midterm Assessment and Planning Workshop noong Pebrero 18–19, 2026 sa bayan ng Malilipot, Albay. Layunin ng aktibidad na suriin ang mga naipatupad na programa, tukuyin ang mga hamon, at maglatag ng mas pinaigting na plano para sa nalalabing bahagi ng implementasyon ng mga inisyatiba ng konseho.

Binigyang-diin sa workshop ang pagbalangkas ng mas epektibong mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya, paglalaan ng kinakailangang resources, at pag-align ng mga mandato at responsibilidad ng bawat miyembro ng konseho. Tinalakay rin ang pagpapalakas ng community-based interventions at mas aktibong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga kaso ng child labor at child exploitation.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mas pinaigting na kolaborasyon, muling pinagtibay ng RCACL Bicol ang kanilang pangako na isulong ang kapakanan at proteksyon ng bawat batang Bicolano, at patuloy na magsulong ng mga programang maghahatid sa rehiyon tungo sa ganap na pagpawi ng child labor.

Source: PIA BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *