MATNOG, Sorsogon — Kasabay ng isinagawang inspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Maharlika Highway ang pagbisita rin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Lopez sa Matnog Port ngayong tanghali.

Layunin ng mga kalihim na personal na suriin ang kalagayan ng mga imprastraktura at ang kaayusan ng transportasyon sa lugar, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang daloy ng mga biyahe at matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga Pilipino, lalo na ng mga biyahero at motorista.

Ang isinagawang inspeksyon ay bahagi ng koordinasyon ng DPWH at DOTr upang matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa mas episyente at maayos na operasyon ng mga lansangan at pantalan, lalo na sa mga pangunahing ruta ng transportasyon sa bansa.

Source: TIGNAN: Kasabay sa inspeksyon ni DPWH… – PIA Bicol Region | Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *