Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang publiko na magsagawa ng wastong paghihiwalay ng basura upang maiwasan ang pag-apaw ng mga landfill, kasunod ng pagguho ng isang landfill sa Cebu City.

Kasabay ito ng paggunita ng National Zero Waste Month ngayong Enero. Ayon sa DENR-EMB, nagsasagawa ito ng regular na inspeksyon sa mga landfill upang matiyak ang pagsunod sa mga kinakailangang permit at pamantayan sa kaligtasan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Binigyang-diin ng ahensya na ang wastong waste segregation ay mahalaga upang mabawasan ang dami ng basurang napupunta sa mga landfill at maprotektahan ang mga komunidad.

Batay sa datos ng DENR-EMB, may 51 landfill sa Calabarzon na humahawak ng humigit-kumulang 6,000 tonelada ng basura araw-araw.

(CO/PIA-CALABARZON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *