Sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, matagumpay na pinangunahan ng Angels in Red Vests ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ang relokasyon ng mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa San Jose Elementary School at San Jose National High School patungo sa itinayong Tent City sa bayan ng Malilipot.

Mahigit 100 pamilya mula sa Barangay Calbayog at Barangay San Roque ang inilipat sa Tent City na may kabuuang 131 tents na layong magbigay ng mas maayos, ligtas, at may pribadong pansamantalang tirahan para sa mga evacuees.

Isinagawa ang relokasyong ito upang unti-unting maibalik sa normal ang operasyon ng mga paaralang ginamit bilang evacuation centers sa loob ng mahigit 15 araw, kasabay ng patuloy na pagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga apektadong pamilya.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pamumuno ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy ang DSWD sa pagtitiyak na natutugunan ang pangangailangan at kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino sa panahon ng sakuna.

Source: bhttps://www.facebook.com/dswdserves/posts/pfbid0Kk8SoUuw86pCjPhvdqnxJxgYMYgP4dXzJsdsWqBxx6hfxgM3PDFVRfuC7VEGWnHhl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *