Minomonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ang MT Cheng Xian Feng 168, isang Philippine-flagged tanker na nag-grounding sa baybayin ng Burgos noong Linggo, Enero 11.
Ayon kay PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab, wala pang naitalang oil spill, ngunit nagpapatuloy ang pagsusuri sa posibilidad ng hull breach. Naglalaman ang tanker ng humigit-kumulang 3,500 litro ng diesel fuel para sa sariling paggamit.
Nailigtas ng PCG ang siyam na crew, kabilang ang kapitan, bandang alas-4 ng umaga. Nagsimula rin ang towing operations bandang alas-7:50 ng umaga.