Sa kabila ng matinding pagsubok na dulot ng sunog sa Barangay San Antonio, Jimenez, Biñan City, muling napatunayan na ang malasakit at bayanihan ay buhay sa puso ng bawat Lagunense.
Labing-isang pamilya ang nawalan ng tirahan, ngunit hindi sila iniwan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Governor Sol Aragones na agad na tumugon at namahagi ng Relief Packs, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan noong Oktubre 26, 2025.
Ang mabilis na pagtugon ng GOByernong may SOLusyon ay patunay na walang Lagunense ang mag-iisa sa panahon ng sakuna.
Sa bawat pag-abot ng tulong, kasabay ang pag-abot ng pag-asa, isang paalala na sa pagkakaisa at malasakit, muling babangon ang bawat pamilya tungo sa mas matatag na bukas.
Source: Laguna PIO