Sa patuloy na hangarin na mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan, personal na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng San Francisco nitong Sabado, Oktubre 25, upang pangunahan ang Medical Mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Sa ilalim ng programang ito, nabigyan ng libreng konsultasyon, gamot, at serbisyong medikal ang daan-daang residente, patunay ng malasakit ng pamahalaan sa kalusugan ng bawat Quezonian.

Kasabay nito, binisita rin ni Governor Tan ang Quezon Provincial Hospital Network (QPHN), San Francisco upang tiyakin na maayos ang operasyon at serbisyo ng ospital para sa mga pasyente.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ni Governor Doktora Helen Tan na maihatid ang serbisyong medikal na abot-kamay, maaasahan, at may puso.

Sa bawat medical mission, hatid niya ay hindi lang lunas sa karamdaman, kundi pag-asa at pag-aaruga para sa mas malusog na Quezon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *