Pumalo sa 5.4 porsiyento ang implasyon sa pagkain at mga inuming hindi nakalalasing sa CALABARZON noong Setyembre 2026, mula sa 2.1 porsiyento noong Agosto, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Tumaas din sa 12.1 porsiyento ang implasyon sa bigas at mga butil, habang umabot sa 10.3 porsiyento ang sa pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang panggatong. Naitala rin sa 15.4 porsiyento ang implasyon sa kuryente at 11.9 porsiyento sa transportasyon.
Ayon kay PSA CALABARZON Regional Director Charito Armonia, ang pagtaas ng implasyon ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahan ng pera na makabili ng mga produkto at serbisyo. Dahil dito, mas tumataas ang gastusin ng mga pamilya sa pagkain, kuryente, pabahay, at transportasyon, na nakaaapekto rin sa operasyon ng mga negosyo.
Source: PIA CALABARZON