Inihatid ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, Oktubre 18, ang mga labi ng 10 natukoy nang biktima ng nasunog na pampasaherong barkong MV June Aster mula sa Coron patungong El Nido, Palawan, habang nagpapatuloy ang pagsisikap na maibalik sa kanilang pamilya ang mga yumao.
Ayon sa PCG, umalis sa Port of Coron ang BRP Suluan patungong San Fernando Port sa El Nido.
Lulan nito ang mga labi ng mga biktima, 20 kaanak at mga tauhan ng Coast Guard.
Layunin ng paglilipat na matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga labi at matulungan ang mga naulilang pamilya habang isinasagawa pa ang recovery at identification operations.
Hanggang nitong Linggo, 38 bangkay na ang natukoy at naiugnay sa kani-kanilang kaanak, ayon sa PCG.
Sa bilang na ito, 26 na ang naibigay sa mga pamilya, habang 11 ang nakatakdang ibiyahe sa Maynila sa araw ring iyon. Isa naman ang nananatili sa punerarya.
Source: Abante TNT