Isang makulay at makabuluhang aktibidad ang nasaksihan sa Quezon Convention Center, Lucena City sa ginanap na 2nd Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan Invitational Taekwondo Tournament nito lamang ika-11 ng Oktubre, 2025.

Nilahukan ito ng mahigit 500 kabataang atleta mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan ng Quezon.

Tunay na naipamalas ng mga kabataan ang kanilang galing at ang diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at respeto sa kapwa.

Pinangunahan ng Provincial Sports Office sa pamumuno ni Coach Aris Mercene, layunin ng torneo na palakasin ang suporta sa kabataang atleta at paigtingin ang adbokasiyang pangkalusugan at pangkaunlaran sa pamamagitan ng isports.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *