Patuloy ang ginagawang pagtugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa mga pamilyang naapektuhan ng mga insidente ng sunog sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Isang insidente ng sunog ang naitala sa Purok 2, Barangay Malidong, Pio Duran, Albay nitong Oktubre 2, 2025, na tuluyang sumira sa tahanan ng biktima. Sa kasalukuyan, pansamantala siyang nanunuluyan sa bahay ng isang kaibigan habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

Bilang tugon, nagpapatuloy ang DSWD Bicol, sa pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio, sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Noong Oktubre 10, 2025, nagsagawa ang ahensya ng pamamahagi ng Food and Non-Food Items (FNFI) sa mga pamilyang nasunugan sa Pio Duran, Albay, gayundin sa mga magkakahiwalay na insidente sa San Felipe at Mabolo, sa lungsod ng Naga, at San Agustin, Pili, sa Probinsya ng Camarines Sur. Sa kabuuan, umabot sa ₱24,807.52 ang halaga ng tulong na naipamahagi.

Ang mga serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na misyon ng DSWD Bicol na tiyakin ang maagap at epektibong pag-abot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad at sakuna, alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex T. Gatchalian at sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa kabila ng mga hamon, nananatiling tapat ang DSWD sa layuning maibsan ang hirap ng bawat pamilyang Pilipino na dumaranas ng pagsubok.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *