Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan ang isinakatuparan noong Setyembre 2–3, 2025, matapos maisagawa ang pagtatambak at pagsasaayos ng daan patungo sa tanggapan ng Provincial DOH Office sa Occidental Mindoro.
Ang proyekto ay naging matagumpay sa tulong at koordinasyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Eduardo B. Gadiano, kasama ang Provincial Equipment Pool Office (PEPO), General Services Office (GSO), at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon sa Provincial DOH Office, ang maayos na access road ay may malaking ambag sa pagpapabilis ng operasyon, pagbibiyahe ng mga medical supplies, at pagtanggap ng mga kliyente at pasyente. Ito rin ay simbolo ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa iisang layunin—ang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Mindoreño.
Ang proyekto ay hindi lamang pisikal na imprastraktura, kundi isang paalala na ang bawat hakbang patungo sa kaunlaran ay nagsisimula sa malasakit—malasakit na ipinamalas ng pamahalaang panlalawigan sa proyektong ito.
Source: Provincial DOH – Occidental Mindoro