Patuloy na pinapangalagaan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang kalusugan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng muling paglulunsad ng 2-Day Free Pap Smear Activity sa Tanauan Mega Health Center nitong September 3, 2025.

Sa inisyatibo nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao at ng buong Sangguniang Panlungsod, katuwang ang Tanauan City Health Office sa pamumuno ni Dra. Anna Dalawampu, isinagawa ang nasabing programa na layong bigyan ng mas malawak na kaalaman at libreng access ang mga Tanaueña sa serbisyong pangkalusugan.

Pangunahing layunin ng aktibidad na ito ang early detection at pag-iwas sa cervical cancer—isa sa mga sakit na madalas makaapekto at magbanta sa kalusugan ng kababaihan sa buong bansa.

Bahagi rin ito ng mas malawak na adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan upang matiyak na ang bawat mamamayan ay may de-kalidad, abot-kamay, at komprehensibong serbisyong medikal na naihahatid sa pamamagitan ng Tanauan Mega Health Center.

Source: Tanauan CGTV FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *