Sa patuloy na adhikain ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, sa pangangasiwa ni Regional Director Norman S. Laurio, na maghatid ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng mga sakuna, namahagi ang ahensya ng mahigit 650 Family Food Packs (FFPs) sa bayan ng Matnog, Sorsogon nong Setyembre 2-3, 2025.
Ang naturang pamamahagi ay isinagawa bilang tugon sa matinding pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) na kalaunan ay naging bagyong #KIKOPH, at pinalakas pa ng Habagat.

Nakapaghatid ang DSWD Bicol ng tulong sa mga pamilyang apektado sa iba’t-ibang barangay kabilang ang: Brgy. Calintaan – 396 FFPs (100 4Ps households); Brgy. Calayuan – 170 FFPs (33 4Ps households); Brgy. Sinalmacan – 140 FFPs (51 4Ps households); at Brgy. Bon-ot Small – 97 FFPs (37 4Ps households)
Ang pamamahaging ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin na ang bawat Pilipinong nasalanta ng kalamidad ay may sapat na pagkain at pangunahing pangangailangan.
Kaugnay nito, pinangungunahan ni DSWD Secretary Rex T. Gatchalian ang iba’t ibang inisyatiba upang masiguro na walang pamilyang maiiwan sa gitna ng anumang sakuna.
Bilang bahagi ng misyon ng ahensiya, patuloy ang DSWD Bicol, sa tulong ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensiya, na mapalawig ang suporta sa bawat pamilyang Bikolano upang matiyak na sa oras ng sakuna, naroroon ang ahensya upang maghatid ng malasakit, kalinga, at pag-asa.
Source: DSWD Field Office V