Bilang tugon sa imbitasyon ni Dr. Nimrod F. Bantigue, dumalo ngayong araw, Agosto 30, 2025, si City Mayor Doy Leachon sa 2nd SPTA (School Parent-Teacher Association) General Meeting ng Oriental Mindoro National High School. Ang naturang pagpupulong ay layong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga magulang at guro, upang mas epektibong matutukan ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Kasama ng alkalde sa pagtitipon ang mga magulang, guro, at opisyales ng paaralan, kung saan ay muling pinagtibay ni Mayor Leachon ang kanyang pagsuporta sa sektor ng edukasyon. Binanggit din niya ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng bawat isa sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.
Ang kanyang presensya ay isang patunay ng patuloy na pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatiba ng mga paaralan para sa mas maayos at makabuluhang pagkatuto para sa kabataang Mindoreño.
Source: Mayor Doy Leachon