Bilang bahagi ng pagpapatibay sa kakayahan at kaalaman ng mga kababaihan, matagumpay na isinagawa sa Lungsod ng Tanauan ang Sustainable Livelihood Program (SLP) Training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong August 29, 2025.
Ang programang ito ay isinulong sa pamamagitan ng pamunuan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao at Tanauan City Women’s Coordinating Council (TCWCC) President Atty. Cristine Collantes. Layunin nitong bigyan ng sapat na kasanayan at oportunidad ang mga kababaihan upang makapagsimula ng sariling kabuhayan at maging katuwang sa patuloy na pag-unlad ng kanilang pamilya at ng buong komunidad.
Ayon sa mga opisyal, ang pagsasanay ay hindi lamang nagbibigay ng kaalaman sa praktikal na kabuhayan, kundi nagsisilbi ring tulay tungo sa mas matatag, nagkakaisa, at empowered na kababaihan sa lungsod.
Kaisa sa programang ito ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Clarence Pamplona Micosa, Konsehal Czylene T. Marqueses, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara, at Konsehal Lilibeth “Beth” Marudo Arcega na taos-pusong sumuporta at lumahok sa aktibidad.
Ang pagsasagawa ng SLP Training ay patunay ng mas pinaigting na pagtutok ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng tunay na oportunidad sa mga kababaihan—bilang haligi ng tahanan at katuwang sa paghubog ng isang mas progresibong Tanauan City.
Source: Tanauan CGTV (City Government of Tanauan) FB Page