Sampung (10) kabataang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang sumabak sa unang araw ng online panel interview bilang bahagi ng Regional Search for Ten Oustanding 4Ps Bicol Youth (RSTOBY) 2025 noong Agosto 13, sa Regional Operations Center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region.

Pinangunahan ang aktibidad ng Youth Development Focal ng 4Ps Regional Program Management Office katuwang ang mga hurado mula sa Educo Philippines, Department of Education, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang mga 4Ps program focal person ng DSWD Bicol.

Sumalang ang unang 10 aplikante sa mga tanong ng mga panelist ukol sa mga isyung kinakaharap ng mga kabataan gayundin ang ibang mga isyung pambansa na nakaaapekto sa kanila. Pinuntusan sila kung gaano ang antas ng kanilang composure and confidence, relevance and impact, social awareness at overall impression.

Magpapatuloy ang online panel interview ngayong araw, Byernes, Agosto 15 upang bigyang daan ang natitira pang 20 kabataan na nakapasok sa shortlisted applicants.

Gaganapin ang Regional Conferment at Awarding ng ikalawang batch ng Ten Outstanding 4Ps Bicolano Youth sa Setyembre 11, 2025 sa Bicol University, College of Engineering Gymnasium.

Ang RSTOBY ay nagsisilbing karagdagang inisyatiba ng rehiyon na naglalayong maglinang ng mas maraming tagapagtaguyod at ambassador para maiparating ang mga mensahe ng programa at kilalanin ang kapuri-puring katangian, dedikasyon, at maagap na pagsusumikap ng mga kabataang 4Ps na maaaring magsilbing inspirasyon sa iba.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *