Mahigit 1,800 benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ang tumanggap ng kanilang pensyon sa unang araw ng 1st and 2nd quarter stipend release na ginanap sa Legazpi City Convention Center, Legazpi City, nitong ika-13 ng Agosto, 2025.

Bilang opisyal na tagapangasiwa ng nasabing aktibidad, matagumpay na naisagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Legazpi sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi ng buwanang pension para sa mga senior citizens na kabilang sa programang SPISC.

Tinatayang nasa 3,438 na benepisyaryo ng SPISC mula sa Lungsod ng Legazpi ang inaasahang tatanggap ng kanilang social pension simula ika-13 hanggang ika-14 ng Agosto.

Ang DSWD Bicol, sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio ay patuloy sa aktibong pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang masiguro ang epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyo partikular sa mga vulnerable sector kabilang na ang mga senior citizens.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *