Dumalo ang mga Partner-Beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa Pob 2., Golden Farmers Association sa Culminating Program ng Nutrition Month 2025 ng Mobo Central School na may temang: “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” na ginanap noong Hulyo 31, 2025 sa Brgy. Poblacion District 2, Mobo, Masbate.
Naglatag ang mga benepisyaryo ng sari-saring prutas at gulay na naani mula sa kanilang mga taniman sa ilalim ng proyekto kung saan namili ang mga magulang, guro, at mga mag-aaral na nakasuot pa ng makukulay na kasuotang sumisimbolo sa iba’t ibang uri ng gulay, bilang pakikiisa sa selebrasyon.

Ang makulay na pagdiriwang na ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng mga institusyon, paaralan, at komunidad sa pagsusulong ng agrikultura, nutrisyon, at kabuhayan, tungo sa isang mas matatag na pamayanan.
Source: DSWD Field Office V