Isinagawa ngayong araw, Agosto 2, 2025, ang kick-off activity ng Citywide Monthly Linis Lungsod Program sa mga barangay ng San Vicente West at Central, Lumangbayan, at Sto. Niño, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Pamahalaang Lungsod para sa kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng buong Calapan.

Pinangunahan nina Mayor Doy Leachon, Vice Mayor Bim Ignacio, at mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod ang opisyal na paglulunsad ng Oplan Linis Lungsod, alinsunod sa itinakdang Executive Order No. 006-2025. Layunin ng programang ito na magkaroon ng mas maayos at maaliwalas na kapaligiran sa lahat ng barangay ng lungsod sa pamamagitan ng buwanang sabayang paglilinis.

Aktibong nakibahagi sa aktibidad ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod bilang pakikiisa sa adhikain para sa isang mas malinis na komunidad. Maging ang mga residente at lokal na lider ay nakiisa rin sa nasabing gawain.

Bahagi ng kampanya ang regular na monitoring, edukasyon ukol sa tamang pagtatapon ng basura, segregation, at ang mas aktibong partisipasyon ng bawat barangay sa pangangalaga sa kapaligiran.

Sa ilalim ng temang “Malinis na Bayan Sigurado”, umaasa ang lokal na pamahalaan na magsisilbing inspirasyon ang Calapan sa iba pang lungsod sa buong bansa pagdating sa sama-samang pagkilos tungo sa kalinisan at kaayusan.

Source: Sangguniang Panlungsod Information Office – Calapan City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *