Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-47 National Disability Rights (NDR) Week, matagumpay na isinagawa noong Hulyo 28, 2025 ang isang Livelihood Training on Perfume Making sa San Mateo Municipal Stadium, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Mateo, Rizal, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin ng aktibidad na ito na bigyang kaalaman at dagdag na kabuhayan ang mga residente ng San Mateo, lalo na ang ating mga Persons with Disability (PWDs), upang matutong gumawa ng sariling pabango at makapagsimula ng maliit na negosyo.

Dumalo rin sa programa si Acting Municipal Vice Mayor Noel Sta. Maria upang ipaabot ang kanyang mensahe ng suporta at pagbati sa mga kalahok. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga PWDs na mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahan bilang bahagi ng mas inklusibong komunidad.

Isang malaking pasasalamat din ang ipinaabot kay Bb. Shane R. Parreño ng TESDA-Rizal, na nagsilbing resource speaker sa naturang pagsasanay. Sa kanyang pagtuturo, ibinahagi niya ang mga tamang hakbang sa paggawa ng de-kalidad ngunit abot-kayang pabango.

Sa mga programang gaya nito, muling pinatutunayan ng lokal na pamahalaan ng San Mateo na aktibo itong tumutugon sa pangangailangan ng bawat sektor ng lipunan. Sa San Mateo, suportado ang inyong kabuhayan!

Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *