Agad na kumilos ang Palawan Disaster Risk Reduction and Management Auxiliaries (PDRRMA) sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Crising at habagat sa lalawigan ng Palawan nito lamang Hulyo 18-19, 2025.

Sa tulong ng Provincial DRRM Office (PDRRMO), mabilis nilang isinagawa ang evacuation, search and rescue, at pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektadong residente.

Hindi inalintana ng mga volunteers ang lakas ng ulan, baha, at hangin upang maabot ang mga nangangailangan. Tinahak nila ang mga binahang lugar at liblib na komunidad, bitbit ang rescue gear at pusong handang maglingkod.

Maliban sa paglilikas at paghahatid ng ayuda, nanguna rin sila sa clearing operations upang alisin ang mga nakaharang na puno at debris sa mga kalsada. Sa ganitong paraan, mas napabilis ang pagdating ng karagdagang tulong at paggalaw ng mga awtoridad.

Ang kanilang mabilis na aksyon ay patunay ng kahandaan at malasakit para sa kapwa. Sa panahon ng sakuna, maaasahan ang mga DRRM Auxiliaries bilang mga tunay na tagapagligtas at katuwang sa pagbangon ng bawat Palaweño.

Source: Palawan Island Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *