Isang simbolo ng pananampalataya at pag-asa ang matatagpuan sa Brgy. Luya San Luis, Batangas — ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus, isang imahe o rebulto na nagpapaalala ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Taun-taon, ipinagdiriwang ng mga taga-Barangay Luya ang kapistahan ng Kabanal-banalang Puso na puno ng pananampalataya at pagkakaisa at sa bawat dasal, prusisyon, at misa, dama ang lalim ng debosyon ng komunidad.

Ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus ng Brgy. Luya ay patunay na sa isang simpleng pamayanan, maaaring mamukadkad ang pananampalatayang nagbibigay liwanag at lakas.

Ang Puso ni Hesus ay hindi lamang simbolo ng kabanalan, kundi paalala rin ng pagkakawanggawa, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa na sa gitna ng hamon ng buhay, ito ang patuloy na nagtuturo na magmahal at magpatawad tulad ng ginawa ni Kristo.

Source: Tara na sa Batangas FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *