Agad na rumesponde ang Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region sa tatlong pamilyang nasunugan sa Barangay Malipo, Guinobatan, Albay nitong madaling araw ng Hulyo 20, 2025.
Ayon sa ulat, 12 katao ang naapektuhan ng sunog na sanhi ng faulty wiring.

Nagpaabot agad ang DSWD Bicol ng food at non-food items na may halagang Php23,024.47.

Nakaantabay rin ang karagdagang tulong sa ilalim ng mga programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, patuloy ang mabilis na aksyon ng DSWD Field Office V para sa mga nasalanta, alinsunod sa direktiba ng Pangulo na tiyaking ligtas ang bawat Pilipino.
Source: DSWD Field Office V