Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog na komunidad ang isinagawa sa Bayan ng Angono sa pamamagitan ng tatlong araw na Learning Development Session para sa mga Barangay Nutrition Scholars na sinimulan noong ika-9 ng Hulyo hanggang Hulyo 11, 2025.

Sa ilalim ng programang Idol Ko Si Nanay – ECCD First 1000 Days, mas pinatatag ang kaalaman ng mga BNS ukol sa kahalagahan ng nutrisyon at pangangalaga sa ina at sanggol mula pre-pregnancy hanggang kapanganakan.

Ang aktibidad na ito ay naging inspirasyon para sa 67 kalahok na determinadong maglingkod nang mas mahusay sa kanilang mga barangay.

Dahil sa inisyatibo ng Municipal Health Office ng Angono, Rizal, lalong napagtibay ang layunin ng bayan na gawing prioridad ang kalusugan ng bawat ina at bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *