CALAPAN CITY, Oriental Mindoro (PIA) — Umabot na sa 23,271 batang manggagawa sa MIMAROPA ang nabigyan ng tulong at social protection services ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) mula 2021 hanggang 2025.

Ayon sa DOLE-MIMAROPA, kabilang sa mga isinagawang hakbang ang information and service caravans, profiling at monitoring sa mga batang nasa panganib, at pagpapatupad ng Project Angel Tree na nagkaloob ng school supplies, food packs, hygiene kits, at iba pang ayuda.

Nakipag-ugnayan din ang ahensya sa iba’t ibang katuwang na institusyon tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority, at mga lokal na pamahalaan upang makapagbigay ng livelihood assistance, skills training, at iba pang serbisyong makatutulong sa mga pamilya.

Sinabi ni DOLE-MIMAROPA Assistant Regional Director Emerito A. Narag na palalawakin pa ng ahensya sa 2026 ang community-based monitoring, information campaigns, at service caravans lalo na sa mga high-risk

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *