Isang makabuluhang hakbang ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa mga miyembro ng Federation of Persons with Disability (PWD) ng Tayabas City sa pamamagitan ng Meat Processing Training and Hands-on Demonstration.

Sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV), layunin ng aktibidad na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga PWDs upang makapagsimula ng alternatibong kabuhayan.

Bukod sa pagsasanay, nagkaloob rin ang pamahalaan ng Livelihood Capital Assistance mula sa 20% Development Fund upang masuportahan ang pagsisimula ng kanilang negosyo.

Sa pangunguna ni G. Ean Abordo, aktibong nakiisa ang mga kasapi ng samahan, patunay na sa kabila ng hamon ng kapansanan, may pag-asa at kakayahan silang umasenso.

Source: Provincial Government of Quezon FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *