Sa humigit-kumulang kalahating buwan ng selebrasyon mula Hunyo 3 hanggang 30, tampok ang Sayaw Indak Street Dance Competition bilang isa sa mga pinakahihintay na palabas ng CalamBagong Buhayani Festival 2025. Ipinamalas ng mga kalahok ang sigla at talento sa sayaw bilang parangal kay Dr. José Rizal, ang bayaning pinagmamalaki ng Calambeños

Ang Sayaw Indak ay patunay ng buhay at diwa ni Rizal, isang sayaw ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Isang oras kung saan ang bawat indak ay kwento ng kasaysayan at pag-asa. Ito rin ay paalala na ang bayaning si José Rizal ay patuloy na nabubuhay sa puso ng kabataang Calambeño.

Ang bawat grupo ay nagdala ng kani-kanilang makukulay na kasuotan na sumasalamin sa iba’t ibang aspeto ng kulturang Pilipino at Calambeño, gumamit ang ilang grupo ng live drumlines at kulintang ensemble, na lalong nagbigay buhay sa sayaw. Ang Sayaw-Indak ay hindi lamang kompetisyon. Isa itong selebrasyon ng pagkakakilanlan ng bawat Calambeño.
Bukod sa pagpaparangal kay Rizal, layunin din ng kompetisyon na palakasin ang pagkakaisa, talento, at malikhaing paglalantad ng kultura ng mga kabataan at higit sa lahat, ang Sayaw-Indak ay patunay na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa sandata o labanan. Minsan, ito ay makikita sa simpleng sayaw, basta’t ito’y buhat ng puso, may layuning magmulat, at may paninindigang ipagmalaki ang lahing Pilipino.
Source: Laguna Patrol