Matagumpay na naidaos ang 2025 World Day against Child Labor sa Pilipinas na ginanap sa St. Jude Cooperative and Event Center, Barangay Isabang, Tayabas City kasabay ng paggunita sa ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 2025.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Mag-aaral ang Bata, Hindi Manggagawa!” na naglalayong isulong ang tunay na kahulugan ng kalayaan, ang kalayaang makapamuhay nang may dignidad, edukasyon, at oportunidad.

Kasabay nito, inilunsad ang Kalayaan Job Fair na may higit 3,000 trabaho, at ang Kadiwa ng Pangulo na naghatid ng abot-kayang pagkain mula sa lokal na magsasaka.

Sa bawat trabahong naibibigay, sa bawat batang napapangalagaan, at sa bawat pagkaing naihahain sa hapag, naisasabuhay natin ang diwa ng kalayaan, kalayaang may kasamang pag-asa, oportunidad, at kinabukasan.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *