Ang Mt. Gulugod Baboy ay isang tanyag na destinasyon para sa mga nais mag-hike na matatagpuan sa bayan ng Mabini, Batangas.
Tinatawag itong “Gulugod Baboy” dahil ang anyo ng bundok ay mistulang gulugod o likod ng isang baboy kapag tinitingnan mula sa malayo.
Ito ay may taas na humigit-kumulang 525 metro na kayang akyatin ng mga baguhan sa loob lamang ng isa hanggang dalawang oras.

Ang tanawin sa tuktok ay tunay na kahanga-hanga na matatanaw mula rito ang makulay na dagat ng Batangas, Isla Verde, at maging ang bulkang Taal kung malinaw ang panahon.
Perfect ito para sa mga hikers, campers, photographer at mga nature lovers dahil ang simoy ng hangin, luntiang kapaligiran, at simpleng pamumuhay ng mga lokal ay nagbibigay ng panandaliang pahinga mula sa ingay ng siyudad.
Sa bawat hakbang sa Mt. Gulugod Baboy, ramdam ang koneksyon sa kalikasan at isa itong paalala kung gaano kaganda ang Pilipinas at kung bakit dapat natin itong ingatan.