Tinaguriang Rank 15 ang lalawigan ng Palawan sa inilabas na 25 Best Snorkeling Spots in the world ng American Magazine na Travel+Leisure nito lamang unang linggo ng Mayo 2025.

Tatlong site sa Palawan ang pinangalanan sa prestiyosong listahan, una ang Tubbataha Reef Natural Park sa Cagayancillo, ang Honda Bay sa Puerto Princesa City, at ang NoaNoa island sa Taytay.

Pangunahing dahilan ng pagkakahirang ay dahil sa oportunidad na naiaalok ng lalawigan pagdating sa snorkeling, masaganang uri ng isda, at mga species ng pawikan na atraksyon sa ilalim ng dagat. Tanging ang Palawan lamang sa Pilipinas ang naisama sa listahan.

Nanguna sa listahan ang Florida Keys na matatagpuan sa Amerika, na sinundan ng IIha Grande sa bansang Brazil. Sa Asya pasok din ang Malaysia, Komodo island sa Indonesia at Koh Tao sa Thailand.

Ang karangalang ito ay di lamang para sa lalawigan ng Palawan bagkos pati na rin sa bansang Pilipinas.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *