Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ay aktibong namahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang bagyo, kabilang ang Severe Tropical Storm Enteng, Southwest Monsoon, at Typhoons Ferdie, Gener, at Helen sa Albay, Camarines Norte, at Camarines Sur nito lamang Setyembre 26, 2024.

Umabot sa may kabuuang 1,689 Family Food Packs (FFPs), na nagkakahalaga ng mahigit Php1.1 milyon ang naipamahagi sa mga pamilya sa anim na barangay ng Libon, Albay Province.
Sa Camarines Sur, ang mga FFP na nagkakahalaga ng Php2,335,800.00 ay naihatid naman sa 3,435 pamilya sa 24 na barangay sa mga munisipalidad ng Calabanga, Nabua, at Magarao.
Bukod dito, 225 FFPs ang napagkaloob sa mga residente ng Barangay Casalugan at Dancalan sa Paracale, Camarines Norte.
Ang DSWD Bicol ay patuloy na mamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo upang maibsan ang hirap na kanilang nararanasan dulot ng sunod-sunod na bagyo sa Rehiyon ng Bicol.
Source: DSWD Bicol