Opisyal nang binuksan ng Agricultural Training Institute (ATI) – MIMAROPA ang Extension Summit kung saan ito ay nakaangkla sa temang “Strengthening the Agricultural Extension Through Training Management and Sharing Technological Innovations”, na ginanap sa Vencio’s Garden Hotel and Restaurant, Barangay Tawiran, Calapan City, nitong ika-27 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay naging matagumpay sa pangunguna ni Center Director, Pat Andrew B. Barrientos, M.M., J.D. at personal din na dumalo at nagpakita ng pagsuporta sa aktibidad si G. Marilou Flores-Morillo, City Mayor.

Ilan sa mga tampok na kaganapan sa nasabing aktibidad ay ang ribbon cutting ceremony, bilang hudyat ng pagsisimula at pagbubukas ng isang booth exhibit na nagpapakita ng agricultural products of Learning Sites for Agriculture (LSA) sa Rehiyon ng MIMAROPA, gayundin ang paglulunsad ng LSA book (LSA Travel Guide) na pinamagatang “Agri-Venture: Exploring Learning Sites for Agriculture”.

Layunin nito na makapagbigay ng pagsasanay at pagpapalawak ng kaalaman para sa mga magsasaka at iba pang sektor sa agrikultura. Pagpapalakas ng kakayahan at kahusayan sa larangan ng agrikultura, pati na rin ang pagbibigay ng oportunidad para sa mga magsasaka na mapabuti ang kanilang pamamahala sa kanilang sakahan at makakuha ng impormasyon hinggil sa mga bagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka.

Sa pamamagitan nito, naglalayon ang ATI-MIMAROPA na mapalakas ang sektor ng agrikultura at magbigay suporta upang maisulong ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *