Nagkaloob ng libreng serbisyo medikal at iba pang serbisyo ang Ako Bicol Partylist sa ilalim ng kanilang Tarabangan Caravan Project sa mahigit 500 senior citizens sa Barangay 42, Rawis, Legazpi City noong Setyembre 26, 2024.

Maagang pumila ang mga benepisyaryo sa covered court ng nasabing barangay upang sumailalim sa libreng check-up at pamamahagi ng libreng gamot sa pangunguna ng Tanchuling General Hospital Inc.

Naging prayoridad ang mga senior citizens dahil ito ang sektor na mas nangangailangan ng atensyong medikal. Nasa mahigit 15K ang residente ng Barangay Rawis kung saan 1,500 dito ay mga senior citizens.

Bukod dito, namahagi din ang Ako Bicol Partylist ng libreng hygiene kits at agahan. Gayundin, nagsagawa ng libreng masahe, libreng gupit, at libreng nailcare service.

Naging katuwang din ng Ako Bicol Partylist ang Coast Guard District Bicol sa pagsasagawa ng medical mission. Nagkaloob din si Congressman Christopher “Kito” Co ng libreng wheelchair sa isang senior citizen.

Samantala, namahagi din ng nasa 550 bags na naglalaman ng 5 kilo na bigas si Albay 2nd District Congressman Joey Salceda sa mga benepisyaryo. Nagkaroon din ng local recruitment activity ang Sunwest Inc. kung saan pinalawak pa ang opurtunidad sa trabaho.

Source: Radyo Pilipinas Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *