Matagumpay na naisagawa ang clean-up activity sa Lungsod ng Calapan bilang pakikiisa sa “International Coastal Clean-up 2024” sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Department na ginanap sa Barangay Balite, nitong ika-7 ng Setyembre 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo katuwang si Mr. Wilfredo G. Landicho, City ENRO.

Aktibo ring nakibahagi at nagbigay ng suporta sa nasabing makabuluhang gawain ang iba’t ibang partner agency at business establishment sa Calapan, kabilang dito ang DENR-PENRO, DENR-PEMO, NEDA, Calapan City PNP, BFP, DMCI, ORMIN Power Inc., at mga coastal barangay sa lungsod, gayundin ang iba pang mga indibidwal.

Ang ICC 2024 ay isang pandaigdigang sabay-sabay na aktibidad sa paglilinis na naglalayong linisin ang ating mga anyong tubig, lalo na ang mga ilog at dagat, sa pamamagitan ng pagbabawas ng plastik na polusyon at sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa komposisyon ng solidong basura na nakolekta.

Pinagtitibay at mas lalong pinalalakas ng ganitong uri ng aktibidad ang pagsasakatuparan ng “The Green City of Calapan” bilang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating Inang kalikasan.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *