Bilang pagpapahalaga para sa pagsisikap ng mga empleyadong buong malasakit na naglilingkod para sa bayan, binigyang-daan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, ang aktibidad na pinamagatang “Special Treats for CGC Employees” na ginanap sa City Hall, nitong ika-6 ng Setyembre 2024.
Naisakatuparan ito sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa ilalim nang pangangasiwa ng City Human Resource Management Department, sa pamumuno ni CHRM Officer, Mr. Roland O. Punzalan.
Ang Linggo ng Lingkod Bayani ay handog para sa mga nasabing kawani hatid ang iba’t ibang mga serbisyo, katulad ng libreng massage, haircut, manicure at pedicure, kung saan ito ay isinakatuparan, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-124 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service na nakaangkla sa temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”
Layunin ng aktibidad na ito na maiparamdam sa bawat empleyado ang pasasalamat sa pagbibigay ng tunay na serbisyo sa bayan.
Source: Tatak CalapeƱo