Pormal na inilunsad ang bagong tanggapan ng PAG-IBIG Fund sa City Mall, Calamba City noong ika-6 ng Setyembre 2024, na dinaluhan nina Chief Executive Officer Ms. Marilene Acosta, Deputy Chief Executive Officer for Member Services Cluster Alexander Hilario G. Aguilar, at Acting Area Head para sa Southern Tagalog Group, Ms. Mariza L. Santingyaman, kasama ang iba pang mga kilalang bisita.

Sa seremonya, binigyang-diin ni Lilia Anguluan, Bise Presidente ng Member Services Operations-Luzon Group ng Pag-IBIG, ang kanilang pangako sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo at patuloy na pagpapabuti.
Ang bagong opisina ay inaasahang makapagbigay ng mas maraming serbisyo tulad ng pagbabayad, provident claims, membership, short-term loan, housing loan, screening ng pagbabayad, pag-release ng tseke, at pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card.
Ito ay naglalayong magpababa ng oras ng paghihintay para sa mga miyembro at kliyente dahil sa mas pinalapit at bagong tanggapan nito.
Source: PIA Laguna