Opisyal nang idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na ang Bulusan Park sa Calapan ay magsisilbi na bilang Calapan Nature and Wellness Park sa ilalim ng SARILINGAP Project na kaugnay rin sa wellness tourism na ginanap sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong ika-4 ng Setyembre 2024.

Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, kasama ang Technical Working Group, sa pakikipagtulungan sa SARILAYA (Kasarian Kalayaan, Inc.), at sa pakikilahok ng People’s Council of Calapan City.

Nagbigay din ng suporta si City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Councilor Atty. Jel Magsuci, gayundin ang mga department/office head, program managers, at iba pang mga lingkod-bayan, opisyal ng lungsod.

Sa programa ay pormal na binuksan ang unang component ng proyekto na tinatawag na SARI-BINHI, ito ay ang community seed bank, kung saan ang Bulusan Park ay inaasahang magiging repository ng mga herbal gardens na mapapakinabangan ng komunidad, gayundin bilang mga gumagamit at magbebenta rin nito.

Sinasabi ring ito ay posibleng maging kauna-unahang parke sa Pilipinas na may kapasidad na mag-offer ng wide range of herbal medicinal plants, kung saan kadikit din dito ang tourism component, bilang bahagi naman ng educational tour.

Layunin nitong makapagbigay tulong sa mga Calapeño at mapahalagahan ang mga medicinal plants na maaaring maging daan sa paglago ng turismo sa lungsod.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *