Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa Kick-Off Ceremony ng ika-124 taon ng Philippine Civil Service sa bansa noong ika-2 ng Setyembre 2024.
Isinagawa sa aktibidad ang digital torch lighting ceremony sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Dulce Rebanal na hudyat ng pagsisimula ng mga sports fest bilang parte ng selebrasyon.

Kabilang sa naturang Sports Fest ang Palarong Pinoy na ginanap sa Laguna Sports Complex.
Tampok din sa programa ay ang presentasyon ng mga kandidata ng Ginoo at Binibining Kapitolyo na nilahukan ng anim (6) na team kada cluster, nagkaroon din ng Photo-Story Contest at trade fair sa harap ng San Luis Building.
Ang aktibidad ay naglalayong maipakita ang buong suporta ng pamahalaan sa mga programa ng mga ahensya ng gobyerno.
Source: Laguna PIO