Tatlong barangay ang dinayo ng Serbisyong TANA upang mamahagi ng mga toilet bowl sa pangunguna ng Calapan City LGU sa mga residente ng Barangay Bondoc, Buhuan at Managpi noong Hulyo 8, 2024.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pagbibigay katuparan sa kahilingan ng ilang residente na magkaroon ng mga bagong gamit para sa kanilang palikuran.

Nagpapasalamat naman ang Calapan LGU sa mga opisyales ng iba’t ibang barangay na nakiisa at tumulong na maging maayos ang nasabing aktibidad.
Ito ay pagpapakita na kahit sa simpleng bagay ay nakakatulong ang ating gobyerno sa ating mga kababayan.
Source: Mayor Malou Marillo