Nasa 161 na benepisyaryo ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) Cash-for-Work for Persons with Disabilities ang nakatanggap ng aabot sa Php555,450 na cash aid noong Martes, Hulyo 9, 2024 sa Minalabac, Camarines Sur.

Ang programa ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga taong may kapansanan na mababa ang kita na nauna nang natukoy at na-validate sa pamamagitan ng National Household Targeting Office at ng Local Government Units.
Samantala, nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang mga nasabing benepisyaryo dahil kahit papaano ay magkakaroon na sila ng trabaho na malaking tulong sa kanilang pamilya at pang-araw-araw na pamumuhay.
Source: DSWD Bicol