Matagumpay na naisagawa ang Installation ng Mokusaku Facility at Seminar sa SAVERS Technology sa Batangas Provincial Agriculture Office.

Ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka at mga Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa buong Lalawigan ng Batangas.

Dinaluhan ni Wilfredo De Chavez, Chief Technical Staff ng Japan Agricultural Exchange Council (JAEC) at Ms. Eva Pugay bilang mga Panauhing Pandangal na nagbahagi ng kanilang kadalubhasaan sa SAVERS Technology at Mokusaku.

Ang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga magsasaka sa tamang paggamit ng Mokusaku (wood vinegar) at SAVERS Technology.

Source: Agricultural Training Institue CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *