Nagsagawa ng Kasambahay Advocacy ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang PESO San Jose na ginanap sa Aroma Family Hotel and Resort Complex nito lamang Hunyo 18, 2024.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangangasiwa ng DOLE Occidental Mindoro Provincial Office na pinamumunuan ni James D. Cortazar, Provincial Director Peter.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng barangay mula sa bayan ng San Jose.
Ang programa ay naglayong turuan ang mga dumalo tungkol sa Batas Kasambahay, Anti-Child Labor Act, proseso ng pagrerehistro ng mga kasambahay, at First Time Job Seekers Act.

Ang mga batas at regulasyong ito ay idinisenyo upang matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga kasambahay, binibigyang-diin ang kanilang mga karapatan at kaligtasan sa kanilang mga lugar ng trabaho.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kasambahay sa rehiyon.
Source: LGU San Jose, Occidental Mindoro-Municipal Information Office