Umabot sa 3,481 na residente mula sa General Nakar, Quezon ang nabigyan ng programang “Lingap sa mamamayan, Libreng gamutan” nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Ilan sa mga inihandog na serbisyong medikal ay ang libreng medical check-up, dental extraction, minor surgery sa may maliit na bukol, eye check- up, ENT, UTZ, X-RAY, ECG,, FBD/RBS, Cholesterol, uric acid, urinalysis, CBC, tuli, cervical cancer and breast screening, at PCV-23 vaccination.
Nagbigay din ang Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ng medical assistance sa mga pasyenteng hindi available ang mga iniresetang gamot.

Kabuuang 1,101 naman ang nagpakonsulta ng kanilang mga alagang hayop sa Office of the Provincial Veterinarian habang 32 ang nabakunahan ng anti-rabies.
Kasabay nito ay naibahagi sa bawat barangay ng General Nakar ang mga gamot na magsisilbing pantawid tugon sa mga residenteng may iniindang sakit.
Ang naturang aktibidad ay isang malaking tulong upang matugunan at mabigyang atensyon ang kalusugan ng bawat mamamayan lalong lalo na ang mga bayan na malayo sa kabihasnan.
Source: Provincial Government of Quezon