Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol na umabot na sa mahigit 112 milyong puno ang kanilang naitanim sa ilalim ng Enhanced National Greening Program (NGP).

Ayon kay Atty. Ronnel C. Sopsop, OIC Assistant Regional Director for Technical Services, simula ng maipatupad ang nasabing programa noong 2011 hanggang 2023, may kabuuang 112,227,525 seedlings ng iba’t ibang klase ng puno ang kanilang naitanim sa anim na probinsya ng Bicol.

Katumbas ito ng nasa 173,147 ektarya ng lupain sa buong rehiyon. Mayroong 20,293 ektarya ang nataniman ng ahensya sa probinsya ng Albay, 55,290 ektarya naman sa Camarines Sur, 30,905 ektarya sa Camarines Norte, 18,222 ektarya sa Catanduanes, 29,246 ektarya sa Masbate at 19,192 ektarya naman sa Sorsogon.

Dagdag ni Atty. Sopsop, 85% aniya sa mga naitanim na puno ng kanilang ahensya ang nanatiling buhay.

Gayunpaman, target ng ahensya na makapagtanim ng mahigit 3.5 milyong puno ngayong taon. Katumbas ito ng nasa 2,113 ektarya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyong Bicol.

Source: Radyo Pilipinas Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *