Pinarangalan ang mga atletang Sablayeño nito lamang Hunyo 3, 2024 sa kahusayan at tagumpay sa mga naiuwing medalya mula sa katatapos lang na MIMAROPA Regional Athletic Association Meet (MRAA) 2024 na ginanap sa Naujan, Oriental Mindoro noong Mayo 23-26, 2024.

Dumalo sa seremonya sina Vice-Mayor Edwin Mintu, mga Sangguniang Bayan members at iba pang kawani ng Lokal na pamahalaan ng Sablayan.

Kasabay ng seremonya, ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan ang halagang Php5,000 na insentibo kada atleta na lumahok sa MRAA 2024 bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon.

Mahigit 300 atleta, coaches, at technical officials mula sa bayan ng Sablayan ang kumatawan sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro sa nasabing palaro.

Matatandaang naging over-all champion ang Sablayan sa nakaraang Provincial Sports Meet kaya’t 80% ng mga atleta sa MRAA 2024 ay nagmula sa nasabing bayan.

Bagaman hindi lahat ay nag-uwi ng medalya, ang kanilang determinasyon at tiyaga ay itinuturing pa ring panalo ng Lokal na Pamahalaan.

Ayon Kay Mayor Bong, kasama ang buong pwersa ng Sangguniang Bayan, hangad nila na ang mga atleta ng Sablayan ay mag-uwi ng medalya hindi lamang sa MIMAROPA RAA kundi pati na rin sa Palarong Pambansa.

Dahil dito, 100% na suporta ang ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa larangan ng sports.

Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay magbubukas na ang Sablayan Sports Academy, na maglalayong lalo pang paghusayin ang mga atletang Sablayeño.

Source: Mayor Walter ‘Bong’ B. Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *