Matagumpay na idinaos ang “Oriental Mindoro Motorcycle Riders’ Day 2024” na pinangunahan nina City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Councilor Atty. Jel Magusoci sa Calapan City noong ika-5 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad na naglalayong pasiglahin ang turismo sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro ay buong suporta rin ang ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna nina Hon. Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor, Governor at Hon. Ejay Falcon, Vice Governor.

Aktibong nakiisa sa aktibidad ang mahigit sa tatlong libo’t limang daang (3,500) motorcycle rider mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Ang naturang pagtitipon ay nagsimula sa Juan Morente Sr. Memorial Pilot School sa Pinamalayan, kung saan samu’t saring mga rider ay nagtipon-tipon bago ang kanilang pag-arangkada patungo sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Barangay Camilmil, sa Calapan City, kung saan idinaos ang main event.

Ang “Oriental Mindoro Motorcycle Riders’ Day 2024” ay hindi lamang isang pagtitipon ng mga rider kundi isang pagkakataon rin upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa motorsiklo at ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan.

Sa huli, ang ganitong mga aktibidad ay patuloy na nabibigyang-halaga ang kultura ng motorsiklo at ang papel ng mga rider sa pagpapalakas ng komunidad.

Source: Tita Malou Flores-Morillo (Calapan City Mayor)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *