Agad na kumilos at namahagi ng tulong na nagkakahalaga ng Php128,772.90 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa 18 apektadong pamilya kasunod ng insidente ng sunog sa Aguinaldo Street, Barangay Bapor, Masbate City, nitong Mayo 3, 2024.
Kasama sa mga tulong na ipinaabot ang dalawang family food packs at set ng non-food relief items tulad ng sleeping kits, hygiene kit, kitchen kit, at sampung metro ng laminated sacks.

Ayon sa ulat, nasa 12 residential houses na matatagpuan sa nabanggit na lugar ang nasunog sa apoy na sumiklab dakong 12:45 ng hapon noong Mayo 2, 2024.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Masbate, 10 bahay ang idineklarang totally damaged, habang 2 bahay ang nagtamo ng bahagyang pinsala at walang naiulat na nasugatan dahil sa insidente.
Samantala, ang mga apektadong pamilya ay tatanggap din ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Php10,000 ang ibibigay para sa totally damaged na mga bahay, habang Php5,000 naman ang ipapalabas sa partially damaged.
Ang DSWD ay nananatiling nakatuon sa pagbibigay ng napapanahon at epektibong suporta sa mga apektadong pamilya sa oras ng mga kalamidad at sakuna na tinitiyak na ang ahensya ang laging unang tumutugon sa mga nangangailangan.
Source: DSWD Field Office 5 – Bicol